Hapilon. duwag kung totoong wala na sa Marawi City

91

Marawi City – Wala paring maibigay na pormal na pahayag ang Palasyo ng Malacañang sa balita na nakatakas na mula sa Marawi City ang pinuno ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang beripikasyon ng Armed Forces of the Philippines kung totoo nga na nakapuslit sa marawi ang most wanted terrorist sa bansa.

Pero sakali aniya na ito ay totoo at iniwan ni Hapilon ang kanyang mga kasama sa pakikipagbakbakan sa nasabing lungsod ay isa itong duwag na tumakbo.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Hapilon ay itinalaga ng ISIS na Emir sa Southeast Asia.

Facebook Comments