“Happy Birthday Loser”, nailagay sa birthday cake ng 2-anyos na babae

Image via Facebook/Melin Jones

Pinag-uusapan ngayon sa internet ang birthday cake ng isang dalawang taong gulang na bata mula sa Estados Unidos.

Kuwento ng ina ng bata na si Melin Jones, pinagawa niya ang birthday cake sa Walmart, Desloge Missouri para ibigay sa kanyang anak na si Elizabeth.

Pagdating sa bahay, laking gulat nito sa nakalagay sa cake.


Sa halip na palayaw na Liz, ‘loser’ ang nailagay dito.

“Liz’s nickname is Lizard. I got her a cake at Walmart & asked the lady to write ‘happy Birthday Lizard’ I did not look at it. Don’t ask me why. As I’m unloading the car I look quickly at it and notice the lady didn’t hear ‘Lizard’ she heard loser,” caption ni Jones sa kanyang Facebook post.

Aminado siyang nalungkot nung simula dahil sa kinagisnan ng cake, pero kalaunan tinawanan at kinain din ng kanyang pamilya ang cake.

Pagtityak ng magulang ni Liz, hindi nila hahayaang malaman ng supling kung anong ibig sabihin ng “loser”.

Matapos ang insidente, bumili ng panibagong cake si Jones at siniguradong tama na ang nakasulat na pangalan sa pagkain.

Batay sa post ng babae, nangyari ito noong Setyembre ng nakaraang taon.

Kamakailan, naging viral din sa internet ang isang cake dahil nagkamali umano ng narinig ang baket at imbis na “Moana”, “marijuana” ang naisulat nito.

Facebook Comments