Panukalang batas na layong taasan ang buwis sa sigarilyo aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan n ani Pang. Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang buwis sa sigarilyo at magpataw na rin ng tax sa e-cigarettes.

 

kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill number 8677 at Senate Bill 2233

 

Ayon kay Medialdea, ngayong araw nilagdaan ng pangulo ang Republic Act  11346.


 

Una nang sinabi ng Department of Finance na sa oras na maipasa ang panukalang batas na ito, magiging 45 pesos na ang kada pakete ng sigarilyo mula sa kasalukuyang 35 pesos. Sa ilalim din ng Republic Act Number 11346, papatawan na rin ng dagdag buwis ang e-cigarettes.

 

Gagamitin ang buwis na malilikom para sa pondohan ang implementasyon ng Universal Health Care Law.

Facebook Comments