HAPPY | Julie Anne San Jose, ibinahagi ang experience nito nang mamasyal sa headquarters ng Facebook sa Amerika

36

California, USA – Masayang ibinahagi ng singer-actress na si Julie Anne San Jose ang ginawa nitong pamamasyal sa headquarters ng social media na Facebook sa Menlo Park sa California, USA.

Sa post ni Julie Anne sa kanyang Instagram account, ikinuwento nito ang kakaibang experience na kanyang naranasan sa pagbisita sa nasabing lugar.

Say ni Julie Anne, nakaka-good vibes ang buong paligid at masayahin ang mga empleyado dito bukod pa sa libreng mga pagkain, desserts at nga inumin.

Ayon pa kay Julie Anne, nagkaroon din siya ng pagkakataon na makita ng personal ang founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg.

Nabatid na si Julie Anne ay nasa US para sa mag-perform sa isang mini-concert sa Anaheim.

Facebook Comments