HAPPY | KC Concepcion, aminadong masaya sa bagong nitong suitor

Manila. Philippines – Aminado ngayon ang aktres na si KC Concepcion na nakikipag-date siya sa isang non-showbiz guy.

Say ni KC, inspired siya sa kaniyang suitor kahit pa hindi daw ito isang Pinoy.

Boto din daw dito ang kaniyang whole family kung saan close din siya sa pamilya ng kaniyang special someone.


Hindi na nagdagdag pa ng iba pang detalye si KC basta at happy and thankful daw siya ngayon sa tuwing makakasama niya ito.

Matatandaan na apat na buwan na ang nakalilipas mula nang kumpirmahin ni KC ang paghihiwalay nila ng dating Azkals Football player na si Aly Borromeo na dalawang taong itinagal ang kanilang relasyon.

Dati ring naging boyfriend ni KC ang mga aktor na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.

Facebook Comments