SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte, tiniyak ang proteksyon at kapakanan ng mga OFW

Manila, Philippines – Muling tiniyak ng Pangulo ang proteksyon at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon sa Pangulo, hinahangaan niya ang mga OFW na pinipiling iwan ang kanilang pamilya para lang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Kaya mariin aniya niyang kinokondena ang mga pagkamatay at pang-aabuso na naranasan ng mga Pilipino sa kanilang mga dayuhang employer.


Sabi pa ng Pangulo, patuloy ang pakikipag-tulungan ng gobyerno sa ibang bansa para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Ipinangako rin ng Pangulo na bibigyan niya ang lahat ng mga Pilipino ng komportableng buhay.

Facebook Comments