Patuloy na pinaiigting ng Kagawaran ng Edukasyon ang kanilang programa na Happy School Movement.
Layunin ng programa na hikayating pumasok araw araw ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad. Isa na dito ang paggamit ng mga educational tools na kawiwilihan ng mga mag-aaral at pagbabawas ng mga assignment.
Aniya ni Malcolm S. Garma DepEd Regional Director, naniniwala siyang mas mahihikayat na pumasok ang isang bata kapag masaya ang kanyang learning environment at kapag hindi ito stress sa dami ng pinapagawa.
Samantala, handa umano ang mga guro sa Region 1 sa pagsusulong ng Happy School Movement.
Facebook Comments