Sumugod ang ibat-ibang grupo ng mga militanteng magsasaka sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika ika-31 taong annibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Nabulaga ang mga pulis na nakatalaga sa sub-station na nasa harap ng DAR nang biglang nagsaboy ng lupa ang mga magsasaka sa harap ng gate ng DAR central office.
Walang nagawa ang mga pulis kundi dakutin ng pala ang mga isinaboy na mga lupa.
Ayon kay Rafael Mariano dating DAR Secretary at Chairperson ng kilusang magbubukid ng Pilipinas, bigo ang distribusyon ng lupa ss mga magsasaka sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon kay Amihan Chairperson Zenaida Soriano, ang comprehensive agrarian reform program ay lubos lamang na napapakinabangan ng mga landlord at oligarchs.
Ayon pa sa grupo, simula January 2018 umabot lamang sa 561,000 na ektarya ng lupa ang napamahagi ng DAR habang ang mga magsasaka na nabigyan na ng certificate of land ownership award ay kalaunan ay nakakansela dahil sa sa reclassification at land use conversion.