Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa Hard General Community Quarantine ang bayan ng Jones, Isabela dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ito ay alinsunod sa Executive order no. 2021-13 na may lagda ni Mayor Leticia Sebastian.
Nakasaad sa kautusan ang limitadong tao na pupunta sa pampublikong palengke batay sa clustering.
Mananatili naman ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa bayan gaya ng tricycle subalit isa (1) lamang ang magiging pasahero subalit kailangang nasusunod ang minimum health protocol.
Sa pribadong sasakyan, mananatili lang sa apat(4) na katao kasama ang drayber para sa mga sakay ng sedan; anim (6) na katao para sa mga SUV at sa van ay walo (8) kasama na ang drayber.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang angkas sa motorsiklo.
Samantala, magpapatupad naman ng 50% capacity sa mga empleyadong papasok sa munisipyo sa ilalim ng work arrangement.
Pinakikilos naman ang lahat ng barangay officials na magmando sa barangay checkpoint na syang titiyak ng mga galaw ng bawat residente.
Gayunpaman, mahigpit rin na ipatutupad ang Liquor Ban habang umiiral ang nasabing kautusan.
Sa ngayon ay mayroong 185 ang aktibong kaso sa bayan habang pito (7) na ang namamatay sa sakit.
Tatagal ang nasabing kautusan hanggang Abril 30.
Paalala naman ng LGU sa publiko ang ugaliin ang pagsunod sa minimum health standrad para makaiwas sa banta ng COVID-19.