HARDWARE STORE OWNERS SA ILOCOS SUR, PINALAWAK ANG KAALAMAN SA PATAS NA KALAKALAN

Pinalawak ng Department of Trade and Industry (DTI) Ilocos Sur ang kaalaman ng mga may-ari ng hardware store sa patas na kalakalan sa pamamagitan ng seminar na “Strengthening Fair Trade Compliance”.

Dumalo sa aktibidad ang labinlimang (15) may-ari ng hardware store mula sa 1st District ng Ilocos Sur.

Layunin ng seminar na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga batas ukol sa patas na kalakalan, maitaguyod ang pagsunod sa regulasyon, at mapalakas ang responsableng pamamalakad sa retail sector.

Tinalakay rin sa seminar ang mga programa at serbisyo ng DTI, mga batas ukol sa proteksyon ng konsyumer, regulasyon sa presyo, at pagpapatupad ng pamantayan sa produkto.

Partikular na natalakay ang probisyon ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines, ang Price Tag Law, at ang Price Act.

Na-orient din ang mga kalahok sa Product Standards at Mandatory Certification requirements, pati na rin ang DTI Bagwis Program na nagbibigay pagkilala sa mga establisyemento na nagtataguyod ng patas at tapat na kalakalan.

Gaganapin naman ang parehong seminar sa Marso 3, 2026 sa Candon City, Ilocos Sur para sa mga may-ari ng hardware store mula sa 2nd District ng probinsya, bilang pagpapalawak ng pagsasanay at adbokasiya ng ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments