Pinag-uusapan ngayon sa social media ang di umano’y nalalapit na pagsasara ng Harrison Plaza sa Malate, Manila.
Itinayo ang Harrison Plaza noong dekada ’70 at tinuturing isa sa pinakauna at pinakasikat na shopping mall noon. Taong 2018 lumabas ang balitang binili na ito ng SM Prime Holdings at may negosasyong nagaganap sa pagitan nila ng Manila City Government para sa planong long-term development agreement.
Hindi naiwasan ng ilang mga netizens na malungkot nung malaman na tuluyang mawawala ang Harrison Plaza malipas ang 43 taon. Samu’t-saring alaala ang kanilang ibinibahagi ngayon sa nasabing mall.
Ayon kay Leil So, hindi niya ikinakahiya na naging parking boys sila noon ng kanyang kaibigan para may pambaon sa eskuwelahan.
Ani Manilyn Suraji Poliran, ito ang kanyang pinipiling pasyalan tuwing dayoff.
Kuwento ni Pearl Cambil Corpuz, magkasama silang namimili ng kanyang kaibigan dito dahil magaganda at matitibay ang ibinebentang gamit.
Para naman kay Regina, paboritong lugar ito ng kanyang mga pinsan.
Hanggang July nalang pala Harrison Plaza. Salamat sa alaala nung panahong nagbabakasyon kami ng lola ko sa Pasay nung maliit ako hanggang ngayong lumaki ako pinupuntahan ka naming magpipinsan ☹
— Regina (@reginagraceee) May 14, 2019
Taos-puso naman ang pasasalamat ni Benedict sa Harrison Plaza.
Will be forever grateful to Harrison Plaza. 💔
— Benedict (@benedict1150) May 14, 2019
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ngayong taon magsasara ang Harrison Plaza.