Pinayagan nang mamasada ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hatchback cars.
Alinsunod ito sa LTFRB Memorandum Circular (MC) no. 2018-005.
Sa ilalim nito, papayagan lang makapag-operate ang mga hatchback sa loob ng Metro Manila kaakibat ang paniningil ng murang pamasahe.
Epektibo ang kanilang operasyon sa loob ng tatlong taong transition period.
Samantala, tanging mga hatchback lang na kasama sa 55,000 units na nasa masterlist at nagsumite ng application noong March 5 hanggang December 15, 2018 ang papayagang makapasada.
Facebook Comments