“Hate crime” laban sa isang 65 anyos na Pilipina sa Estados Unidos, makakaapekto sa foreign policy ng Pilipinas – DFA

Posibleng maapektuhan ang foreign policy ng Pilipinas ang nangyaring pag-atake sa isang 65 anyos na Pilipina sa New York City.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., malaki ang magiging epekto nito sa ating foreign policy lalo na’t tila hindi naman aniya sineseryoso ng Estados Unidos ang insidente ng mga karahasan doon laban sa mga Pilipino.

Sa nasabing video, makikitang inatake ng isang lalaki ang biktima sa Manhattan, New York kung saan sinigawan pa ito bago sinipa sa ulo at tiyan.


Kasunod nito, wala man lamang tumulong sa matandang babae at pinagsaraduhan pa ito ng pintuan ng isang establisyimento.

Samantala, kinondena na rin ni US Vice President Kamala harrIs ang patuloy na karahasan sa mga miyembro ng Asian-American community.

Facebook Comments