Rachelle Ann Go, nanganak na!

Isang bouncing baby boy ang isinilang ng broadway actress at singer na si Rachelle Ann Go.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi nito ang first ever public family photo kasama ang kaniyang asawang si Martin Spies at baby boy na pinangalanan nilang Lukas Judah.

Nakalagay din sa caption na noong Marso 26 pa siya nanganak sa London, United Kingdom.


Matatandaang taong 2018 nang ikasal si Rachelle at Martin at kasalukuyang naninirahan na sa UK.

Facebook Comments