Hatid-Probinsya Program, Ipinatitigil ng isang Konsehal

Cauayan City, Isabela- Nais ng isang Sangguniang Bayan Member ng San Mariano na ipatigil ang isinasagawang ‘Hatid Probinsya’ Program ng kanilang bayan para makaiwas sa posibleng pagkadagdag ng mga magpopositibo sa coronavirus.

Ayon kay SB Janily Camaso, nais nitong mapangalagaan ang iba pang residente ng bayan laban sa banta ng nakamamatay na sakit.

Inihalimbawa pa nito na nagsimula ang pagkakaroon ng mga positibong kaso gaya ng Lungsod ng Ilagan at San Mariano ay ang pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individual.


Una na niya aniyang iminungkahi sa iba pang frontliners at konseho ang sana’y pagpapatigil pansamantala ng programa para sa kaligtasan ng kani-kanilang uuwian.

Matatandaang nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng virus ang Benito Soliven sa katauhan ng isang 20 taong gulang na babae na galing sa Antipolo, Rizal.

Facebook Comments