Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court na sentesyahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong si Retired Major General Jovito Palparan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gusto rin nilang mabigyan ng hustiya ang mga sinasabing nabiktima ni Palparan.
Matatandaang 2006 nang dukutin umano ng grupo ni Palparan ang dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno na sinasabing mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Maliban sa reclusion perpetua, pinagbabayad din si Palparan ng P300,000 na civil indemnity at moral damages sa pamilya ng dalawang estudyante.
Facebook Comments