Hatol para sa mga pulis na umanoy sangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Espinosa, hindi pa maipatupad ng PNP

Manila, Philippines – Hindi pa rin maipapatupad ng PNP DPRM o Directorate
for Personnel and Records Management ang resolution o hatol sa mga pulis na
sangkot sa pagkamatay ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ito ay kahit na pirmado na ito ni PNP chief Ronald Bato Dela Rosa.

Paliwang ni DPRM Director Chief Supt Rene Aspera, i-inform muna raw nila sa
grupo ni Supt. Marvin Marcos ang magiging hatol sa mga ito.


Layon aniya nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na pulis na
makapagsampa ng motion for reconsideration kug gugustuhin ng mga ito at
para hindi rin mabutasan ang PNP kapag ipinatupad na ang hatol.

Kabaligtaran naman ito sa pahayag ni General Bato na may madi-dismiss sa
grupo ni Marcos.

Sinabi ni Aspera na sa ngayon ang hatol na ipatutupad nila ay suspensyon at
demotion lang, at wala pa sa grupo ni Marcos ang tuluyang pagsibak sa mga
ito serbisyo.

Facebook Comments