Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas bukas

Manila, Philippines – Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong
petrolyo bukas.

Ang Flying V ay magtataas ng trenta y singko sentimos sa kada litro ng
gasolina, trenta y singko din sa Biodiesel at trenta sentimos sa kerosene.

Ang Phoenix Petroleum naman ay magtataas din ng trenta y singko sentimos sa
diesel at gasoline.


Ang Shell naman ay magtataas din ng 35-centavos sa kada litro ng gasolina
at diesel habang 30-centavos sa kerosene.

Una nang inihayag ng Dept of Energy na magkakaroon ng lingguhang paggalaw
sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments