Haunted hospitals at overpriced farm-to-market roads, posibleng isabay sa imbestigasyon ng ICI —Malacañang

Bukas ang Malacañang na isama sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang iba pang maanomalyang proyekto ng gobyerno tulad ng umano’y “haunted hospitals” ng Department of Health (DOH) at overpriced na farm-to-market roads ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, lahat ng kwestyonableng proyektong pang-imprastraktura ay dapat masilip ng ICI.

Maaari aniyang isumite sa komisyon ang mga dokumento at ebidensiya upang agad na maipatawag ang mga opisyal na sangkot.

Matatandaang naghain ng resolusyon si Rep. Leila de Lima para imbestigahan ang umano’y pag-aaksaya ng pondo ng DOH na nagresulta sa abandonado, hindi kumpleto, at non-operational na mga ospital at health facilities.

Ibinulgar din ni Sen. Sherwin Gatchalian na higit P10 bilyon ang nalustay dahil sa sobra-sobrang presyo ng mga farm-to-market road projects ng DA mula 2023 hanggang 2024.

Facebook Comments