Hawaan ng COVID-19, inaasahang babagal sa unang quarter ng 2022

Inaasahang babagal ang hawaan ng COVID-19 sa pagbaba ng mobility sa unang quarter ng 2022 kung hindi makakapasok ang Omicron variant sa bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, sa pagsapit ng unang quarter ng taon ay mas kaunti na ang lalabas na tao dahil ubos na ang pera ng mga ito kasunod ng pagtatapos ng holiday season.

Matatandaang nagbabala ang OCTA Research Group na muling tataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pagkatapos ng holiday season.


Ngunit idiniin ni Concepcion na hindi dapat mabahala ang publiko dahil marami na ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Samantala, inaasahan din na baghagyang hihina ang benta ng mga negosyo pagkatapos ng holiday season na natural lamang aniya na senaryo sa sektor ng ekonomiya.

Facebook Comments