Hawaan ng COVID-19, nangyayari pa rin sa trabaho

Aminado ang Department of Health (DOH) na nagkakaroon pa rin ng hawaan ng COVID-19 sa workplaces.

Ayon kay Dr. Nikka Hao ng DOH- Disease Prevention and Control Bureau, karamihan sa mga tinatamaan ng virus sa trabaho ay dahil sa social gathering ng mga manggagawa.

Hindi naman binanggit ni Hao kung anong uri ng trabaho ang mataas ang hawaan ng virus.


Bilang solusyon, sinabi ni Hao na dapat magkaroon ng alternatibong plano sa mga lugar ng trabaho.

Kabilang na aniya rito ang pagpayag ng mga employer na kumain sa kanilang opisina o mesa ang mga empleyado at magkaroon ng sapat na ventilation ang isang kompanya.

Facebook Comments