Pinoy basketball player Ray Parks, magiging import ng Nagoya Dolphins sa Japan B-League

Nakatakdang maglaro para sa Nagoya Dolphins sa Japan Basketball League ang dating TNT Tropang Giga player na si Ray Parks Jr.

Ito ay matapos na lumagda ng kontrata sa koponan bilang Asian import.

Ayon sa team, magiging opisyal ang kontrata ni Parks oras na makuha na nito ang kaniyang medical clearance.


Bukod kay Parks, maglalaro rin sa B.League season sina Thirdy Ravena sa San-En NeoPhoenix; Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars; Juan Gomez de Liano sa Earthfriends Tokyo Z; Javi Gomez de Liano sa Ibaraki Robots at Kemark Carino sa Aomori Wat’s.

Facebook Comments