Dahil sa guidelines na ipinatupad, naging mababa lang ang naging hawaan ng COVID-19 sa mga estudyante sa higher education.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III, 0.3 porsyento lamang ang tinamaan ng virus sa mga mag-aaral sa higher education habang 1.4 porsyento sa faculty members.
Nabatid na noong January nang payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limited face-to-face classes sa medicine at allied health sciences.
Dati 11 degree programs lang ang pinapayagan pero ngayon higit sa 300 na ito mula sa 180 na unibersidad na nag-apply at nabigyan ng permiso na magsagawa ng limited face-to-face classes.
Kanina sa unang pagkakataon ay binakunahan sa Metro Manila ang mga atletang estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad bilang dagdag proteksyon lalo’t unti-unting nang pinapalawig ang limited face-to-face classes sa higher education.
Kinumpirma ni De Vera sa susunod na batch kabilang na papayagan sa face-to-face classes ay ang engineering, hotel and restaurant management, tourism, at maritime courses.