Hawaii, isinailalim sa State of Emergency dahil sa walang tigil na pag-ulan

Isinailalim na sa State of Emergency ang Hawaii dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan na nagresulta sa pagbaha at landslides.

Ayon kay Hawaii Governor David Ige, sapilitan nang inilikas ang kanilang mga residente dahil na rin sa banta ng pagkasira ng kanilang mga dams.

Tiniyak naman ni Ige na magpapaabot sila ng tulong sa mga lubos na naapektuhan ng pagbaha.


Inaasahang tatagal pa ng ilang araw nang nararanasang sama ng panahon sa Hawaii.

Facebook Comments