Sigla ng pumapasok na remittance sa bansa, inaasahang babalik ngayong taon

Inaasahan ng ilang eksperto na babalik na ang sigla ng pumapasok na remittances sa bansa ngayong taon.

Ayon sa University of Asia and the Pacific (UA&P) at First Metro Investment Corporation (FMIC), mas maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang magpapadala ng pera sa Pilipinas kumpara noong nakaraang taon.

Isa rin sa mga dahilan ang pagsipa ng ekonomiya ng mga bansa sa Middle East na isa sa lugar na may pinakamaraming OFW sa mundo.


Facebook Comments