Manila, Philippines – Isinusulong ni Senadora Leila De Lima sa Senado ang panukalang bigyan ng hazard pay at dagdag na insurance benefits ang mga miyembro ng media na nasa field assignments.
Sa ilalim ng senate bill 1860 na inihain ni De Lima, magkakaroon ng P350,000 death benefits ang isang mediaman at P200,000 reimbursement kapag naospital dahil sa coverage.
Nakapaloob rin sa panukala na ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ay dapat bumuo ng isang insurance program para sa mga freelance journalists.
Layon ng panukala ni De Lima na mabigyan ng kompensasyon ang mga mamamahayag na malimit maipadala sa mga delikadong assignments.
Facebook Comments