Haze mula Indonesia, umabot na sa Metro Cebu  

Umabot na sa Cebu ang haze na dulot ng forest fire sa Indonesia.

Ito ang pagkumpirma ng Environment and Management Bureau sa Central Visayas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa abiso ng DENR-EMB, nakakaranas na ang Metro Cebu ng hazy weather condition at pinalalakas ito ng hanging habagat.


Lumabas na nasa 56 Micrograms per normal cubic meter ang air quality sa lugar, lagpas sa safe guideline value na 50 micrograms per normal cubic meter.

Ayon sa EMB, ang mga maliliit at magagaang particulate matter ay posibleng pumasok sa respiratory at circulatory system ng tao at hayop kapag nilanghap ito.

Ang mga expose sa air pollution ay posibleng magdulot ng Respiratory Tract Infectionsm at Cardiac Ailments.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nasa loob ng bahay at isarado ang mga pintuan at bintahan.

Facebook Comments