Manila, Philippines – Ipinadedeklara ni Kabayan Rep. Harry Roque na gawing krimen ang hazing kasunod ng pagkamatay ni Horacio Castillo III.
Sa House Bill 6440 ni Roque, idedeklara ding iligal ang mga organisasyon na magpa-practice ng anumang uri o paraan ng hazing bilang paraan para matanggap sa fraternity o sorority.
Hiniling din na taasan ang parusa sa mga sangkot sa ganitong krimen.
Itinatakda din dito na ang sinumang present sa hazing kahit hindi kasama sa isinagawang rites ay maituturing na principal sa krimen maliban na lamangkung hinadlangan niya ang aktibidad.
Giit ng kongresista, ang Republic Act 8049 o anti hazing law na pinagtibay noong 1995 ay hindi na sapat dahil napatunayan nang hindi ito naging deterrent sa hazing.
Kaninang umaga naman ay dininig ng Sub Committee on Prosefcutorial Reforms ng House Justice Committee ang panukala ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-dy na rebisyon sa anti-hazing law kung saan ipinagbabawal ang hazing sa frat at sorority sa loob at labas ng mga eskwelahan.