Manila, Philippines – Walang bakas ng awa ang naramdaman ni Carmina Castillo, ang ina ni Atio na biktima ng hazing ng Aegis Juris Fraternity.
Ito ang naging pahayag ng ina ni Atio matapos ang ginawang pagbasa ng sakdal sa mga akusado na sina:
Arvin Balag
Mhin Wei Chan
Axel Munro Hipe
Oliver John Audrey Onofre
Joshua Joriel Macabali
Ralph Trangia
Robin Ramos
Joseph Miguel Salamat
Daniel Hans Matthew Rodrigo
Marcelino Bagtang At iba pang John does
Na tumagal ng halos tatlong oras hinggil sa paglabag sa Anti Hazing Law o RA 8049
Ayon kay Carmina nag hain ng Not Guilty Plead ang sampung akusado sa nasabing krimen.
Paliwanag pa nito na nagkaroon na ng Pre Trial kaya tumagal ang naturang Arraignament kung saan puros pagkkaila ang sinagot ng mga akusado sa nasabing Pre Trial.
Nakatakda rin aniyang dinggin ang Petition for Bail ng mga akusado sa August 14, ganap na alas 8:30 ng umaga sa Sala parin ni Judge Umali ng Manila RTC Branch 20.
Ito ay kahit Non Bailable ang nasabing kaso.
Dagdag pa ni Carmina Castillo wala siyang naramdaman na kahit katiting na awa ng makita niya ang mga pumatay sa kanyang anak dahil hindi rin naman naawa ang mga ito nung kanilang patayin ang biktima na si Atio.
Wala rin plano ang ina ni Atio na dinggin ang kahit anong apela ng mga akusado at layon niya na mabura sa mundo ang pangalan ng Aegis Juris Fraternity.
Banta pa nito na hindi siya titigil hanggat hindi ito nangyayari.
Matatandaang umalingawngaw ang pangalang horacio castillo iii noong buwan ng Setyembre ng nakaraang taon matapos itong mamatay dahil sa hazing ng Fraternity na Aegis Juris.