Hazing suspect Ralph Trangia, tahimik pa rin sa alok ng DOJ na isailalim siya sa WPP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tahimik pa rin si hazing suspect Ralph Trangia sa alok nilang isailalim ito sa Witness Protection Program.

Ayon kay Aguirre, mula nang bumalik sa bansa si Trangia noong nakalipas na linggo ay wala pa itong tugon sa kanilang alok.

Nilinaw naman ni Aguirre na ang pagsasailalim kay Trangia sa WPP ay depende pa rin sa magiging laman ng testimonya nito hinggil sa kanyang nalalaman sa pagkamatay sa hazing ni UST Law student Horacio Castillo III.


Muli namang hinimok ng kalihim si Ralph at ang pamilya nito na makipag-tulungan sa imbestigasyon ng mga otoridad.

Ang batang Trangia at ang mga magulang nitong sina Rosemarie at Antonio ay kabilang sa mga kinasuhan ng Manila Police District sa Department of Justice kaugnay ng pagkamatay ni Atio.

Facebook Comments