Hazing victim na si Atio Castillo, ililibing na ngayong araw

Manila, Philippines – Ililibing na ngayong araw ang hazing victim na si Horacio Castillo III sa Manila Memorial Park sa ParaƱaque City.

Bago ang libing, magdaraos muna ng misa sa Santuario De San Antonio Parish sa Forbes Park sa Makati City dakong alas-2:00 ng hapon.

Inaasahan namang dadagsa sa libing ang mga kaibigan, kaklase, kamag-anak at mga nagmamahal kay Horacio.


Kasunod nito, umaasa ang pamilya Castillo na makakamit nila ang hustisya lalo na ngayong hawak na ng mga otoridad ang isa sa mga itinuturing na primary suspek na si John Paul Solano.

Si Solano at iba pang miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity ay ipinagharap na ng patung-patong na kaso ng Manila Police District sa Department of Justice.

Facebook Comments