2 suspek sa illegal na droga nahuli sa Gen. Luna, Surigao Del Norte

2 suspek sa illegal na droga nahuli sa Purok 5, Brgy. Poblacion 5, Gen. Luna, Surigao Del Norte. Kinilala ang mga nahuli na sina Joey Reyes Gonzaga alias Pawing, 32 taong gulang at Rodelio Ravelo Igot, 22 taong gulang, parehong naninirahan sa Gen. Luna, Surigao Del Norte. Nakuha mula sa kamay ng mga suspek ang 13 sachet sa pinaghihinalaang shabu, humigit-kumulang sa 2 grams ang timbang o market value na P23,600 at P500 na marked money. Ang buybust operation ang pinangunahan ng Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Senior Inspector Ernesto Marcos Jr. at mga kasamahan sa Gen. Luna Municipal Police Station.

Facebook Comments