Head Coach Steve Kerr – babiyahe sa Texas kasama ang Warriors

73

Manila, Philippines – Makakasama na sa biyahe ng Golden State Warriors sa Texas ang head coach nito na si Steve Kerr.

Matatandaang ilang laro ng Warriors ang hindi nadaluhan ni Kerr dahil kasalukuyan itong nagpapagaling matapos na magkaroon ng komplikasyon bunga ng back surgery noong 2015.

Kaugnay nito, si Assistant Coach Mike Brown muna ang nanguna sa Warriors.

Umaasa naman ang buong team na tuluyan nang makababalik sa pagko-coach si Kerr para sa dalawang magkasunod na NBA playoff ng koponan kontra San Antonio Spurs hanggang sa NBA Finals.

Sa kasalukuyan, 2-0 na ang serye ng laro sa Western Conference Finals pabor sa Warriors.
Photo from: NBA.com
DZXL558

Facebook Comments