Head ng Glan Municipal Hospital at Glan PNP kinumpermang walang sugatan na kasapi ng mauti group sa Sarangani

Pinabulaanan ni Doctora Eden Rose Malanao, chief of hospital ng Glan Medicare Community Hospital, sa bayan ng Glan, Sarangani Province , ang report ng isang newspaper na mayroong sampong teroristang grupo na miyembro ng Maute, na galing ng Marawi na ginagamot ngayon sa nasabing ospital.

Sinabi ni Doctora Malanao na gawa-gawa lang ang nasabing impormasyon at walang katutuhanan. Close monitoring ang kanilang ginagawa sa mga pumapasok na mga pasyente at walang sugatan sa kanila.

Ang provincial health officer ng Sarangani Province, na si Doctor Arvin Alejandro, gumawa agad ng imbistigasyon matapos lumabas ang artikulo pero negatibo ang nasabing report at mismong ang sinasabing source ng impormasyon na isang empleyado ng nasabing hospital ang nagsasabing walang nag interview sa kanya na kasapi ng media.


Tinawag naman na isang irresponsible media reporting ang nakasaad sa nasabing artikulo ni Chief Inspector Neil Wadingan, ang chief of police sa Glan Police Station. Sinabi nito na kung mayroon mang myembro ng Maute na dinala ng Glan Hospital sila ang unang makatanggap ng impormasyon dahil magkatabi lang ang Glan PNP at ang Glan Community Hospital.

Facebook Comments