Isasagawa ngayong araw ang kauna-unahang Healing Rosary for the World.
Ayon kay Manila Cathedral Rector Father Reginald Malicdem, ang aktibidad ay kolaborasyon ng iba’t ibang grupo – kinabibilangan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Liter of Light Foundation, Quincentennial Commemorations in the Philippines, National Parks Development Committee.
Sinabi pa ni Malicdem na isa itong inisyatibo ng Manila Cathedral na gagawin kada Miyerkules ng gabi.
Tampok din sa aktibidad ang pinakamalaking solar rosary sa mundo sa Rizal Park sa Maynila bilang pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Aabot sa 3,000 solar lights ang gagamitin bilang pagkilala at pasasalamat sa mga medical frontliners na lumalaban sa COVID-19 pandemic.
Ang Healing Rosary for the World ay ila-livestream mamayang alas-9:00 ng gabi sa Manila Cathedral Facebook page.