Sa tala ng City Health Office sa Dagupan City, mula noong taong 1984 hanggang sa kasalukuyan, tumaas na ng 60% ang kaso ng HIV cases na naitala sa lungsod. At sa datos mataas ang kaso sa mga teenager na mga kalalakihan.
Sa ngayon nag iikot ikot ang health authorities sa mga baragay upang maturuan ang mga residente na makaiwas sa sexually transmitted na sakit na ito. Nagsagawa sila ng isang programa na tinawag na ABCD upang paalalahanan ang mga residente lalo na ang mga may asawa na, na maging abstain sa pakikipagtalik, maging tapat sa partner, gumamit ng proteksyon tulad ng condom, at wag gagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon pa sa kanilang datos, pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng HIV. At karamihan, mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ang biktima. Kaya payo nila, maging maingat at huwag matakot o mahiya magpa-test sa mga lehitimong HIV testing centers dahil ito ay confidential at para sa kanilang ikabubuti.