Isang tatlong taong gulang na bata mula Mangaldan, Pangasinan ang naitala na tinamaan ng pinakaunang kaso ng Zika Virus ayon sa Provincial Health Office.
Ang naapektuhang bata ay isinugod sa Region One Medical Center (R1MC) dahil sa mga sintomas na katulad ng flu. Tinest ang bata para sa dengue ngunit negatibo ang lumabas na resulta. Agad ding nakumpirma ng ospital na zika virus at hindi dengue ang tumama sa pasyente. Ang bata ay naiulat nang nakauwi sa kanilang tahanan ngunit ang Zika Virus ay nananatili sa kanyang katawan.
Ang sintomas ng Zika Virus at Dengue ay magkatulad ngunit hindi ito tulad ng dengue na nagreresulta sa hemmorage, bagkus ay nakakaapekto sa mga buntis na maaaring makakuha ng congenital defects.
Pinapayuhan na ng mga otoridad ang mga mamamayan na mag ingat sa kagat ng lamok na maaaring magdulot sa Zika virus dahil wala pang lunas para dito. [image: download.jpg]