HEALTH AT NUTRITION SERVICES SALUNGSOD NG ALAMINOS, MAS PINALALAKAS PA NG LGU

Mas pinalalakas oa ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang kanilang serbisyo sa publiko pagdating sa kalusugan at nutrisyon.
Pinakatinututukan ng LGU ang kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan sa kanilang lungsod kung saan isinasagawa ang orientation ukol sa 90 Days Dietary Supplementation Program for Stunted and Wasted 6-23 months Pre School Children.
Ang programang ito ng LGU Alaminos ay may layuning maibigay sa mga bata ang nararapat na serbisyong pangkalusugan at maging kanilang nutrisyon.

Bahagi ang aktibidad na ito ng Early Childhood Care and Development for the First 1000 Days Program kung sa dumalo naman sa aktibidad na ito ang mga Barangay Nutrition Scholar at Barangay Population Officers sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments