HEALTH AUTHORITIES, MAY PAALALA SA HOLIDAY STRESS

Bukod sa Byahealthy, Healthy Handaan, at Iwas Paputok na kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong Holiday Season, isinusulong ngayon ng ahensya ang pagmanage sa Holiday Stress.

Sa naganap na Kapihan sa Ilocos kasama ang Department of Health-Ilocos Center for Health Development (DOH-CHD 1), ibinahagi ng mga health officials ang mga kaalamang nakapaloob ukol dito.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer III Raymark Perreras, mahalaga ang pagpaplano bago magtungo sa mga pamilihan.

Dagdag naman ni Nurse V EthelReina Sugando, kung hindi kakayaning personal na bumili ng mga Christmas gifts ay mainam din ang pag-oonline.

Ngayong holiday season, posible ang holiday stress lalo na kung isasabay sa holiday rush kung tawagin.

Samantala, inihayag ng ahensya na naka full-alert ang mga hospital sa Ilocos Region sa anumang holiday-related incident na maitatala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments