Health care program para sa mga buntis at bagong silang na sanggol, isinulong

Manila, Philippines – Umapela si Senador Sonny Angara sa mga kasamahang mambabatas para sa agarang pagpasa ng panukalang magpapatupad ng isang comprehensive healthcare program.

Para ito sa siyam na buwang pamamalagi ng isang sanggol sa sinapupunan ng kanilang mga ina at unang dalawang taon o unang 1,000 araw ng kanilang buhay sa mundo.

Ito ay ang senate bill no.1537 o ang healthy nanay and bulilit act, na kilala rin bilang ‘first 1,000 days act.’


Ang hakbagn ni Angara ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng national children’s month.

Layunin ng panukala na maibigay ang karapatan ng mga bata para sa mabuting kalusugan, tamang pangangalaga at nutrisyon.

Binigyang diin ni Angara na ang bawat musmos na Pilipino ay may karapatan para sa tamang pagsisimula sa buhay, kaakibat ang tamang nutrisyon, upang marating nila ang kanilang buong potensyal, tagumpay at magandang estado sa kanilang pag-aaral at pamumuhay.

Facebook Comments