HEALTH CARE UTILIZATION RATE NG ILOCOS REGION NASA ZONE NA

Nasa Safe Zone na ang healthcare utilization rate sa Ilocos Region, ito ayon sa Department of Health Center for Health Development 1.

Base sa ulat ng kagawaran, nasa 53% na lang ang Intensive Care Unit Bed occupancy at ang hospital bed occupancy naman sa rehiyon ay nasa 55% na.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, COVID-19 focal person ng rehiyon uno, patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 mula noong buwan ng Agosto at Setyembre.


Ang pagbaba ng kaso sa rehiyon ay dahilan umano ng mahigpit na pagpapatupad ng istriktong border checkpoint at zoning containment sa apat na probinsiya.

Umaasa naman ito na tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon kasabay ng pagpapalawak sa COVID-19 Vaccination program.

Facebook Comments