Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na patuloy na tumataas ang bilang ng mga okupadong pasilidad para sa mga tinamaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, pinakamataas ang District 2 na binubuo ng Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig at Pateros na umabot na sa 69 percent.
Kasunod nito ang District 4 na binubuo ng Las Piñas, Muntinlupa, Paranaque at Pasay na pumalo na sa 62%.
Kapwa nasa 48 percent naman ang District 1 o CaMaNava at District 3 o Makati, Mandaluyong, Manila at San Juan.
Samantala, sa antas naman ng mga okupadong ICU o Intensive Care Unit ng mga ospital, pinakamataas sa District 2 na nasa 78 percent kasunod ang District 4 na 75 percent.
Habang 61 percent naman na okupado ang ICU sa mga ospital sa District 3 habang 40 percent sa District 1.