MANILA – Para lalo pang mapalakas ang kampanya laban sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa bansa.Inirekomenda ng Dept. Of Health sa Malakanyang na isama na rin sa ipagbawal ang electronic cigarettes at vape.Ayon kay health Spokesperson Dr. Erick Tayag, nakapaloob sa kanilang ipinanukalang Executive Order (EO) ang pagbabawal ng nasabing uri ng sigarilyo.Binigyan-diin ni Tayag, na tulad ng sigarilyo ay may masama din itong epekto sa kalusugan dahil mayroon itong nicotine at iba pang uri ng kemikal na nakakasama sa katawan ng tao.Sa ngayon, hinihintay nalang ng DOH na malagdaan ni Pangulong Duterte ang EO para sa pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar sa buong bansa.
Facebook Comments