Nagpahayag ng pagkabahala ang isang miyembro ng vaccine expert panel hinggil sa planong face-to-face classes ngayong darating na pasukan.
Sa panayam ng RMN Manila, inirekomenda ni Vaccine Expert Panel Member Dr. Rontgene Solante sa Department of Education na dapat munang mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng mga bata bago ipatupad ang in-person classes.
Aminado si Solante na nangangamba siya na posibleng makadagdag ang face-to-face classes sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na’t malaki ang tiyansa ng hawahan sa mga paaralan partikular na sa mga estudyanteng hindi pa bakunado.
Nabatid na nasa 70% na ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang handa na para sa pagpapatupad ng face-to-face classes ngayong School Year 2022-2023.
Facebook Comments