Walang ebidensya na nakakatulong ang pagpapahid sa katawan ng dumi ng baka bilang panlaban sa COVID-19.
Ito ang nilinaw ni OCTA Research Group fellow Dr. Butch Ong kasunod ng ulat na ilang mamamayan sa Gujarat, Western India ang nagpapahid ng dumi at ihi ng baka sa paniniwalang mapapalakas nito ang kanilang immunity at gagaling sila mula sa COVID-19.
Ayon kay Ong, sa halip na makatulong ay lalo lamang silang magkakasakit.
“Hindi makakatulong ang pagpapahid sa katawan ng cow dung. May mga sakit pa nga na maaaring makuha. Well, it’s part of their cultural belief, hindi ito talagang panlaban sa COVID-19,” paliwanag ni Ong.
Sa Hinduism, ang baka ay sagradong simbolo ng buhay at mundo.
Ginagamit ng mga Hindu ang dumi ng baka sa kanilang ritwal at bilang panlinis ng mga tahanan sa paniniwalang mayroon itong therapeutic at antiseptic properties.