Health experts ng Inter-Agency Task Force, “puro salita” pagdating sa pagiging epektibo ng face shields

Tinawag ni Senate President Tito Sotto III na “puro salita” ang mga health experts ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Sotto, wala naman kasing maipakitang ebidensiya ang mga ito sa pagiging epektibo ng face shields laban sa COVID-19.

Sa isa pang tweet, tinuligsa ni Sotto ang mga sinasabing health experts kung saan alam na raw niya kung bakit hindi maganda ang pagtugon natin sa COVID-19 pandemic.


Matatandaang sa talk to the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ay nilinaw nitong mananatiling mandatory ang paggamit ng face shield, bukod sa face mask sa buong bansa.

Facebook Comments