Online registration, hindi madadaya ayon sa COMELEC

Tiniyak ng Commision on Elections o COMELEC na hindi madadaya ang kanilang online registration.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, maraming safeguards na nakapaloob sa website upang matukoy kung lehitimo o hindi ang indibidwal na magpaparehistro.

Kinakailangan pa rin naman aniya na magtungo ng mga aplikante sa COMELEC offices at mahigpit din ang kanilang proseso sa pagkuha ng biometrics data.


Matatandaang inilunsad ng COMELEC ang mobile registration app noong nakaraang linggo para sa mabilis na pag-fill up ng mga impormasyon bago ito ipakita sa COMELEC office.

Facebook Comments