Tiniyak ng ilang eksperto na wala pang naitatalang pasyenteng nagkaroon ng black fungus matapos gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Infectious Disease and Molecular Biologist Expert Dr. Edsel Salvaña, mayroong kakayahan ang mga eksperto sa bansa na ma-detect ang black fungus sa mga gumaling na COVID patients, pero sa ngayon ay wala pa silang nakitaan nito sa kanilang mga pasyente.
Aniya, napakahirap gamutin ang pasyenteng may black fungus, gaya ng naging karanasan nito sa tatlong naging pasyente nito sa Amerika.
“The black fungus is what we call mucor—and this is found in the environment actually but it only happens in people where their immune system is very, very bad. There is one term for this [unclear] and they keep changing the name of these molds. They’re very, very difficult to treat. I’ve treated maybe two or three when I was training in the United States. In the Philippines, thank God, wala pa naman akong nakikita but we have the means to culture this and detect this and so far, we have not seen it in our COVID patients,” ani Salvaña.
Unang nakita ang black fungus sa mga gumaling na COVID patient sa India.
Paliwanag ni World Health Organization (WHO) County Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakompromiso ang immune system ng mga pasyente sa India dahil sa malakihang paggamit ng steroids.