HEALTH KITS/EQUIPMENT, IPAPAMAHAGI SA LAHAT NG PAARALAN SA LALAWIGAN NG ISABELA

Pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamumuno ni Gov. Rodito T. Albano III sa pamamagitan ng Provincial School Board na mamahagi sa lahat ng paaralan sa buong lalawigan ng Isabela ng health kits/equipment.

Batay ito sa Memorandum na inisyu ni Ginang Madelyn Macalling, Schools Division Superintendent nitong Martes, August 2, 2022, para sa mga Public Schools District Supervisors, Districts In-Charge, Elementary and Secondary Principals, School Heads and Elementary at Secondary Teaching Personnel. Kabilang sa health kits/equipment ay ang individual alcohol spray dispenser, washable face masks, stand-alone thermometers, at fogging chemicals.

Ang pamamahagi ng health kits/equipment ay bilang pagsuporta sa 2022 Brigada Eskwela na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”.

Ang nasabing hakbangin ay bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase na nakatakdang magsimula sa Agosto 22, 2022 para sa School Year 2022-2023.

Facebook Comments