HEALTH NEWS | World Tuberculosis Day sa Dagupan, idadaos

27

DAGUPAN CITY – Magsasagawa ng UBO Patrol sa mga Barangay ng Dagupan bilang
pagdiriwang ng World Tuberculosis Day bukas.

Kinumpirma ni Dra. Ophelia T. De Vera, Head Office ng City Health Office
Dagupan City, na sa buwan ng Enero hanggang Marso ngayong taon ay may 9 na
kaso ng tuberculosis ang naitala.

Magsasagawa ng UBO Patrol ang City Health Office Dagupan sa iba’t ibang
Barangay sa Lungsod ng Dagupan.

Ang UBO Patrol ay umiikot sa mga barangay na nagsasagawa ng libreng
check-up.

Ang mga sintomas ng Tuberculosis o TB ay pagkakaroon ng ubo ng dalawang
linggo, pangangayayat, pagsakit ng likod, at lagnat.

*Ulat ni Anthonette Joyce Camacho at Jushtine Segundo*

Facebook Comments